Mga Pahina

Martes, Abril 30, 2013

Bye Killerbee, Hello Magic!


Noong ika-29 ng Abril 2013, ang Quest Broadcasting Inc. ay nagsagawa ng nationwide reformatting ng kanilang mga radio station na ang mother network ay ang istatsyong DWTM o mas kilala bilang Magic 89.9. Ang Magic ay nagsimula noong Pebrero ng taong 1986, bago maganap ang People Power Revolution, simula noon ay naging isa sa mga nangununang FM station sa Kalakhang Maynila kasama nito ang mga karibal na istasyon tulad ng Monster RX 93.1 at 99.5 RT (ngayon ay 99.5 Play FM) na binili ng Magic mula sa Vera Family Company noong 1996 at dun nagsimulang bumulusok ang Magic dahil tinagurian itong "competition killer".

Ang mga Killerbee stations ay iisang monicker na.
  • Magic 89.9 Manila
  • Magic 106.3 Bacolod
  • Magic 92.3 Cebu
  • Magic 95.5 Zamboanga
  • Magic 89.3 Cagayan De Oro
  • Magic 89.1 Davao
  • Magic 106.3 General Santos