Mga Pahina

Linggo, Pebrero 16, 2014

Balik-Tanaw: 89 DMZ at iba pang istasyon noon



Sa panahong hindi pa gaanong high-tech ang mga gamit at pang home theater ay uso pa ang arkilahan ng Mobile tuwing may okasyon. Ang radio station na "89 DMZ" ay sikat noon sa pagpapatugtog ng dance, hip-hop at remixed music, walang gaanong daldalan noon basta tugtugan lang. Naging DJ din dito si Francis M na kilala sa tawag na "The Mouth". Madalas noong may DJ mixing competition at sponsor nito ang 89 DMZ. Kung mahilig ka sa radyo o sa musika siguradong alam mo ito. Patok noong 1990's ang "Pump Up The Jam", "Angelina", "Tootsie Roll" at iba pa.

Ang mga istasyon noon ay matitino pa, karamihan sa atin masarap makinig ng radyo dahil di pa ito nasasakupan ng Jejemon songs like Barangay LS ngayon, dati sa DWLS may Top 12 at 12 pa para sa top hits, sikat din noon ang NU107 at LA 105.9 para sa mga mahihilig sa alternative music, DWRR 101.9 naman para sa mga lovesong fanatics. Mabuti at hindi pa nagpapasakop ang Magic 89.9 at Monster RX 93.1 sa mga kantang walang taste at hanggang ngayon ay meron pa silang "sanity".