Mga Pahina

Biyernes, Setyembre 21, 2012

Naughty Thoughts: Martial Law noon, Cybercrime Law ngayon



Ngayong araw ay anibersaryo ng Martial Law na idineklara ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos 40 taon nang nakalipas. Marami sa atin ang gumanda ang buhay noong panahon ni Marcos dahil naging maganda ang pamamalakad ng Pamahalaan sa ilalim ng Batas Militar, ngunit may mga Pilipino ring tutol sa Martial Law dahil ito sa kawalan ng karapatang pankalahatan. Ang pagkamatay ni Sen. Ninoy Aquino Jr. at ang People People Revolution ang naging bunga nito sa pagdeklara ng Martial Law ng rehimeng Marcos. Nasa oposition si Aquino, tatay ng kasalukuyang pangulo na si Benigno Aquino III.

40 taon nang lumipas pero parang history repeats itself ang kinahantungan ng sambayanan, dahil ito sa pagpirma ni Pangulong Aquino ng Republic Act No. 10175 o Cybercrime Law na maraming tao ang tutol sa batas na agarang pinirma ng pangulo. Mga magulang ni Pangulong Aquino ang lumabas sa kalayaan ng bayan ngunit naging taliwas ito sa kanyang pag-apruba ng batas na ito. Ang Cybercrime Law ay naglalaman ng pag-kontrol ng mga pahayag ng bawat indibiduwal, naging malaking isyu ito sa Commission of Human Right (CHR) ang nasabing batas. Isa rito ang "Freedom of Speech" na tinamaan sa batas na ito.


Kamakailan ay ilan sa mga website ng gobyerno ay hinack ng umono'y "Anonymous Philippines" bilang protesta sa batas na sinulong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento