Mga Pahina

Lunes, Pebrero 16, 2015

Bro Eli Soriano ng Ang Dating Daan, suportado si Pangulong Aquino

Bro. Eliseo Soriano, Ang Dating Daan


Bunga ng mga nasawing 44 na Special Action Force o SAF sa Mindanao noong ika-25 ng Enero, samu't saring bakitos ang natanggap ng ilang haligi ng sandatahang lakas ng bansa. Pilit itong sinasama si Pangulong Benigno Aquino III sa mga kapalpakan ng Armed Forces of the Philippines ang saklolo sa bakbakan sa Mamamsapano, Maguindanao.

Isang Christian televangelist, si Eliseo Soriano ng Members Church of God International (MCGI) o mas kilala bilang "Ang Dating Daan", pinahiwatig ni Soriano ang suporta kay Pangulong Aquino sa kanyang mga natatanggap na resignation call, pinauso ni Soriano ang hashtag na #Noynoyparin sa Twitter at naging trending ito sa buong mundo.

Binatikos rin ni Soriano ang mga pari na nagnanais na bumitiw si Pangulong Aquino sa pwesto, aniya'y sinoportahan nito noong 2010 Presidential Elections.


Matatandaang naka-exile si Soriano matapos umano'y manghalay ng church worker na ngayo'y kaanib na ng Iglesia ni Cristo (INC). Naging kontrobersyal na mangangaral na bumatikos sa isa sa mga malalaking sekta sa Pilipinas at sa buong mundo. Matatandaan ring may hidwaan ang Ang Dating Daan at ang Iglesia ni Cristo dahil sa mga umano'y taliwas na doktrina na nakasaad sa Banal na Kasulatan o "Holy Bible".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento